Thursday, February 19, 2026

Pagbuo ng alyansa para sa 2028, masyado pang maaga ayon sa Palasyo

Nilinaw ng Malacañang na wala pang binubuong alyansa ang administrasyon para sa 2028 elections.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos sabihin ni Senator Risa Hontiveros na hindi pa tiyak kung kakailanganin ng oposisyon ang pakikipag-alyansa sa kampo ng Pangulo upang harapin ang posibleng kandidatura ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, malayo pa ang eleksyon kaya wala pang usapin tungkol sa political alliances.

Mas mahalaga aniya ngayon ang pagtutok sa trabaho at paghahatid ng serbisyo sa publiko.

Binigyang-diin din ni Castro ang pagkakaiba ng isang “politician” na nakatuon sa susunod na halalan, habang ang “statesman” ay iniisip ang kapakanan ng susunod na henerasyon.

Facebook Comments