Pagbuo ng Benham Rise Development Authority, pre-mature pa ayon sa Institute of Maritime Affairs of Law of the Sea

Manila, Philippines – Tiniyak ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na wala silang nakikitang anumang banta sa Benham Rise.

 

Sa kabila ito ng pagdaan ng mga barko ng China malapit sa teritoryo na aniya’y bahagi ng innocent passage at navigation nito.

 

May mga impormasyon din na nagsasagawa ng biological research ang China sa Benham Rise pero hindi pa malinaw kung sakop ito ng Exclusive Economic Zone o continental shelf ng Pilipinas.

 

Nabatid din na noong 2015 at 2016, naghain ng request ang China sa Department of Foreign Affairs para makapagsagawa ng marine research sa Benham Rise pero hindi ito pinagbigyan dahil sa kawalan ng involvement ng mga Filipino scientist.

 

Gayunpaman, hindi matukoy ng DFA kung ang mga aktibidad ngayon ng China ay bahagi ng request nila noon na hindi napagbigyan.

 

Sa ngayon, ayon kay Atty. Jay Batongbacal ng UP Institute of Maritime Affairs of Law of the Sea, pre-mature pa para bumuo ng Benham Rise Development Authority.

 

Aniya, makabubuti kung magtatalaga ng mga observer na magre-record sa mga aktibidad sa Benham Rise.

 

Sinang-ayunan naman ni Senator Sherwin Gatchalian, Chairman ng Committee on Economic Affairs, ang posibleng pagsasagawa ng joint exploration lalo’t walang sapat na kagamitan ang Pilipinas para rito.



Facebook Comments