Pagbuo ng bilateral Labor Working Group na bahagi ng US-Philippines TIFA pabor kina PBBM at US President Biden

Walang problema kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at United States President Joe Biden sa planong pagbuo ng bilateral Labor Working Group na bahagi ng US-Philippines Trade and Investment Framework Agreements o TIFA.

Sa joint statement ng dalawang lider sa ginawang bilateral talks sa White House sa Washington D.C., sinabi ng dalawang lider na may pangangailangan palakasin ang democratic institutions, rule of law at respeto sa karapatang pantao kabilang na ang freedom of expression, miyembro ng media at asosasyon.

Binigyang diin nang dalawang lider ang pangangailangang malabanan ang anumang uri ng violence lalo na ang pang-aabuso sa mga civil society, kababaihan, kabataan at marginalized groups.


Dahil dito, pabor ang dalawang lider na bumuo nang bilateral Labor Working Group na bahagi ng US-Philippines TIFA.

Ito ay upang makapagbigay ng oportunidad sa Estados Unidos at Pilipinas na magkasamang magtrabaho para sa pagpapatupad ng internationally recognized labor rights at para pangunahan ang palitan ng dayalogo sa pagitan ng US at gobyerno ng Pilipinas, labor unions at maging employer organizations.

Facebook Comments