Pagbuo ng Committee on Environmentally Sustainable Elections, inaprubahan ng Comelec en banc

FILE PHOTO

Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang rekomendasyon ni Chairman George Erwin Garcina na bumuo ng Committee on Environmentally Sustanable Elections.

Kaugnay nito, itatalaga ni Garcia si Commissioner Ernesto Ferdinand Maceda Jr., bilang pinuno ng naturang committee.

Inatasan rin ni Garcia si Maceda na bumuo ng patakaran at polisiya kung paano isasakatuparan ng Comelec ang sustainable election.


Aniya, hindi lamang ito tututok sa 2025 kundi maging sa mga susunod na halalan.

Matatandaan na unang inirekomenda ni Garica ang pagbuo ng isang komite na tututok sa mga campaign materials at basura na karaniwang nang nagiging problema tuwing panahon ng eleksyon.

Facebook Comments