Plano ni Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na ipanukala kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng isang crisis committee.
Ayon kay Go, magiging mandato ng crisis committee ang pagbabantay sa posibleng pagkalat ng COVID-19.
Ayon sa kanya ay umakyat na sa lima ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kasabay nito ay pinayuhan din ni Go ang publiko na maging handa pero huwag magpanic kaugnay sa COVID 19.
Sinabi ni Go na dapat ay kumilos ang sambayanan at maging “one step ahead” ang preparasyon para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Facebook Comments