Pagbuo ng fisheries code of conduct sa West Philippine Sea, iminungkahi ni DND Sec Lorenzana

Suhestyon ni Defense Sec Delfin Lorenzana ang pagbuo ng isang code of fishing conduct sa West Philippine Sea.

 

Ito ay para maiwasan na maulit ang “maritime incident” sa West Philippine Sea kung saang isang Filipino fishing boat ang lumubog matapos banggain ng isang Chinese vessel sa Recto Bank nitong June 9, 2019.

 

Sa Press conference, sinabi ni Lorenzana na iminungkahi niya sa cabinet cluster meeting na makipagusap ang gobyerno sa lahat ng mga bansang may inaangkin sa South China Sea para bumuo ng “fisheries code of conduct” na bukod pa sa binubuong “code of conduct sa South China Sea”.


 

Ito aniya ay para sa mga mangingisda lang at hindi sasaklaw sa mga pwersa militar ng mga bansang may interes sa South China Sea.

 

Paliwanag ng kalihim, bagamat ang insidente sa recto bank ay nangyari sa loob ng 200-mile exclusive economic zone ng bansa, Ang lugar ay “traditional fishing ground” ng iba’t ibang mga bansa tulad ng China, Japan, Vietnam at Taiwan.

 

Wala naman aniyang masama kung pahintulutan ng Pilipinas na mangisda ang ibang mga bansa sa lugar pero kailangan lang na magkaroon ng maayos na sistema para maiwasan ang mga aksidente.

Facebook Comments