Manila, Philippines – Kinakailangang bumuo ng framework agreement o understanding bago makapasok sa karagatang sakop ng bansa ang mga sasakyang pandagat ng sandatahang lakas ng China.
Ito ang reaksyon ni Defense Sec. Delfin Lorenzana matapos ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas sya sa pagkakaroon ng naval drill sa pagitan ng sundalong pinoy at Chinese Navy sa Sulu Sea at ibapang parte ng Mindanao
Ayon kay Lorenzana walang problema sa kanila ang kagustuhang ito ng pangulo.
Pero dapat aniya munang magkaroon ng pormal na kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng China upang matukoy kung saan gagawin ang navaldrill, anong unit ang magsasagawa nito.
Dapat ring malaman ang layunin ng pagpapatrolya,nararapat rin munang magkaroon ng maayos komunikasyon sa pagitan ng ibat ibang pwersa.
Kaugnay nito aalamin naman ni Lorenza kung kinakailanganp pang magpasa ng panibagong visiting forces agreement para sa planong navaldrill sa pagitan ng mga sundalong pinoy at mga sundalong intsik.
Pagbuo ng framework agreement, dapat gawin bago makapagpatrolya ang Chinese Navy sa karagatan ng Pilipinas
Facebook Comments