Manila, Philippines – Welcome development para sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang panukalang dayalogo ng simbahan at gobyerno.
Ayon kay CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles, ang pagkakaroon ng dayalogo ay mabuti.
Hindi sinabi ni Valles kung dadaluhan ng CBCP ang dayalogo kung sila ay iimbitahan.
Una nang inanunsyo ng Malacañang na bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng komite na magsasagawa ng dayalogo sa simbahang Katolika at iba pang religious groups.
Ang komite ay pangungunahan ni Presidential Spokesman Harry Roque, Pastor ‘Boy’ Saycon, at Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Ernesto Abella.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, layunin nilang gawing maayos ang relasyon ng gobyerno sa simbahang Katolika at sa ibang relihiyon sa bansa.