Magpupulong bukas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI) para pag-usapan ang guidelines sa diskuwento sa mga binibili online ng mga senior citizens at Persons with Disabilities (PWDs).
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, pag-uusapan ng dalawang ahensya ang draft guidelines para dito.
Pagtitiyak ni Dumlao na tinutugunan ng ahensya ang isyung ito.
Nabatid na naghain ng reklamo ang consumer advocacy group na Laban Konsyumer Inc. sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) laban sa DSWD at DTI dahil sa kawalan ng aksyon para dito.
Facebook Comments