Pagbuo ng iba’t ibang water conservation program, tinututukan ng National El Niño team para mabawasan ang epekto ng tagtuyot

Nakatuon ngayon ang National El Niño team sa pagbuo ng programa para mas makatipid sa tubig upang mabawasan ang hindi magandang epekto ng inaasahang tagtuyot sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, nagpulong kahapon ang team na binubuo ng iba’t ibang government agencies.

Ang team na ito ay nasa pangangasiwa ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na inatasan ring tukuyin ang mga geographically challenged areas na kakailanganin ng augmentation ng supply ng potable water.


Sa pagpupulong inatasan ang DENR at Department of Agriculture (DA) na alamin ang posibleng kabawasan sa alokasyon sa tubig para sa National Irrigation Administration o NIA dahil sa posibbleng pagbawas ng water level sa Angat Dam.

Sa pulong, dinagdag rin ang Department of Science and Technology (DOST) bilang bagong technical working group.

Binigyan diin rin ng team na ang DA ang maghahanda para sa comprehensive report on mitigation measures at pakikipag-ugnayan sa Philippine Rice Research Institute para makakuha ng mga datos para sa drought-resistant varieties at iba pa.

Facebook Comments