Pagbuo ng inter-agency body na magbibigay ng update sa publiko ukol sa n-CoV, iginiit ng liderato ng Senado

Iginiit ni Senate President Tito Sotto III ang pagbuo ng isang inter-agency body na magbibigay ng update sa publiko ukol sa medical status ng Novel Coronavirus (n-CoV) sa bansa at mga hakbang ng gobyerno para pigilan ang pagkalat nito.

Sabi ni Sotto, ang inter-agency body ay bubuuin ng mga kinatawan o resource person mula sa Deparment of Health (DOH), Department of Tourism (DT), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Finance (DF).

Ayon kay Sotto, magbibigay ng daily media briefing ang nabanggit na inter-agency body ukol sa n-CoV sa bansa at anumang ihahayag nito ay magsisilbing official statement ng pamahalaan.


Ang hakbang ni Sotto, ay solusyon sa nakaparaming kumakalat na fake news ngayon ukol sa n-CoV na dumadagdag sa panic o pagkabahala ng mamamayan.

Dagdag pa ni Sotto, ang malilikhang inter-department agency ay maaring maging permanente at magsilbing opisyal na instrumento ng gobyerno tuwing may trahedya o iba pang kalamidad.

Facebook Comments