Pagbuo ng IRR para sa Anti-OSAEC Law, pinamamadali ng Gabriela Party-list

Ikinatuwa ng Gabriela Women’s Party ang pagsasabatas ng Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act.

Kaugnay nito ay iginiit ng Gabriela Party-list sa pamahalaan na madaliin ang paggawa ng Implementing Rules and Regulations o IRR para sa Anti-OSAEC Law.

Ayon kay Assistant Minority Leader and Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas kailangang maipatupad agad ang Anti-OSAEC Law ngayon na maraming mga kabataan ang bukas sa iba’t ibang social media platforms na maaring maging daan ng kanilang kapahamakan.


Paliwanag ni Brosas, tugon ang batas sa mga kabataan na nabibiktima ng online sexual abuse and exploitation dahil nakapaloob dito ang mas mabigat na parusa sa mga nasa likod ng naturang mga krimen.

Tiwala ang Gabriela Women’s Party na ang Anti-OSAEC Law ay hindi lang hahadlang sa mga krimen laban sa kabataan kundi tatakdaan din nito ng pananagutan ang mga internet platforms, service providers, at internet cafes na walang aksyon para maging ligtas ang digital space sa mga kabataan.

Facebook Comments