Pagbuo ng IRR para sa mas maayos na pagpapatupad ng distribusyon ng monthly pension sa mga nakatatanda, prayoridad ng NCSC

Tinututukan na ng National Commission of Senior Citizen (NCSC) ang pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulation (IRR) upang mas maging maayos ang implementasyon ng pamimigay ng monthly pension ng mga nakatatanda.

Pahayag ito ni NCSC Chairman Atty. Franklin Quijano, kasunod ng pagsasabatas ng Republic Act. no 11916 o ang batas na magtataas sa monthly pension na matatanggap ng mga indigent senior citizen mula sa ₱500 na magiging ₱1, 000.

Sa press briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na katuwang nila ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbalangkas ng IRR, para matiyak na magiging maayos ang distribusyon at tamang mga benepisyaryo ang makatatanggap ng monthly pension.


Batay sa batas, ililipat na sa komisyon ang pangangasiwa ng distribusyon ng pensyon, mula sa DSWD.

Mayroon na rin aniya silang timeline na sinusunod para dito.

Aniya, tinatayang nasa 4.1 million na senior citizens ang makikinabang sa ipinasang batas.

Facebook Comments