Pagbuo ng Isabela Agricultural Cooperative Federation, Isinusulong ng Cooperative Development Authority!

Cauayan City, Isabela – Isinusulong ngayon ng Cooperative Development Authority o CDA ang Isabela Agricultural Cooperative Federation upang ganap na maging ordinansa dito sa lalawigan ng Isabela.

Ayon sa pahayag ni Board Member Nap Hernandez, ang Sectoral Representative on Agriculture na layunin umano nito na matulungan ang mga magsasaka at magkaroon ng boses lalo na ang mga informal farmers sector o mga manggagawang magsasaka.

Isang hakbang na dito ang ginawang pagpupulong ng CDA upang mabuo ang mga programa ng Isabela Agricultural Cooperative Federation kung saan ay naumpisahan na ang pagsasalegal nito.


Hinikayat ni BM Hernadez ang lahat ng magsasaka na maging miyembro ng kooperatiba upang makamit ang anumang benepisyo na mula rin sa national program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments