MANILA – Nababahala ang Volunteers Against Crime and Corruption sa pagkabigo ng otoridad na maresolba ang mga kahalintulad na kaso ng Korean National na sinasabing biktima ng ‘tokhang for ransom’.Patikular na tinukoy ni VACC Spokesman Boy Evangelista ang kaso ng isang engineer at architect sa Cainta na halos isang taon nang nawawala at ang isang nadiskubreng killing fields sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija.Bunsod nito, nanawagan si Evangelista sa gobyerno na panahon na para bumuo ng isang ahensya na tututok lamang sa mga nawawalang mamamayan.Umapela rin si Evangelista sa mga mambabatas na lumikha ng isang batas na magpapataw ng parusa sa mga establisyimento tulad ng mga funeral parlors na posibleng nakikipagkutsabahan sa mga sindikato.Inihalimbawa ni Evangelista ang green funeral parlor sa Caloocan City kung saan di umano nakuha ang abo ng Korean National na di umano’y dinukot at pinatay ng isang grupo kung saan kabilang si SPO3 Ricky Sta. Isabel.
Pagbuo Ng Isang Ahensya Sa Tututok Sa Mga Nawawalang Mamamayan, Ipinanawagan Ng Vacc Sa Gobyerno
Facebook Comments