Pagbuo ng isang coalition, pinag-aaralan ng HNP

Nakikipag-ugnayan na ang Hugpong ng Pagbabago sa limang partido nasyonal upang makabuo ng isang coalition.

Kabilang sa mga partido ang Lakas-CMD, National Unity Party, Nacionalista Party Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) at People’s Reform Party (PRP).

Ayon kay HNP Secretary-General Anthony del Rosario, kasalukuyan pang inaayos ng HNP ang mga dokumento kung saan tanggap sa lahat ng partido.


Samantala, posibleng sa Oktubre pa malaman ang desisyon ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagtakbo nito sa darating na 2022 National Elections.

Paliwanag kasi ni Del Rosario, nais nilang bigyan ng oras si Sara na magdesisyon kung tatakbo ito bilang pangulo sa susunod na taon.

Facebook Comments