Iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagbuo ng isang komite na bubusisi sa actuarial life o itatagal ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) .
Sinuportahan naman ito nina Senate President Tito Sotto III at Senate President Pro Tempore Ralph Recto.
Sa suhestyon ni Drilon, ang komite ay bubuuin ng actuarial experts mula sa Government Service Insurance Corporation (GSIS), Social Security System (SSS) at Insurance Commission.
Ugat ng mungkahi ni Drilon ang lumabas sa pagdinig na isinagawa ng Committee of the Whole na posibleng hanggang 2021 o 2022 na lang umabot ang pondo ng PhilHealth kapag nagpatuloy ang pandemya.
Ipinaliwanag ni Drilon na mahalagang mapag-aralang mabuti kung magkano ang kabuuang pondo ngayon ng PhilHealth para madetermina kung magkano ang subsidiya na dapat ibigay dito sa panukalang 2021 national budget.
Sa proposed 2021 budget ay 71 billion pesos ang ipinapalaan sa PhilHealth na katulad din ng budget nito ngayong taon.