
Wala sa option ni Senator Risa Hontiveros ang umanib sa majority bloc ng Senado sa pagbubukas ng 20th Congress.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Hontiveros na dalawa lamang ang kanyang pagpipilian; ang manatiling minority o bumuo ng independent bloc na mas malakas sa oposisyon.
Gustuhin man ng senadora ang minority leadership, aminado siyang mayroong mas malaki ang bilang sa kanilang grupo para mag-minorya.
May lumulutang kasi na impormasyon na posibleng ang grupo ni Senator Tito Sotto ang mag minorya sakaling hindi maabot ang bilang sa pagka-Senate President.
Sa kasalukuyan, nag-uusap pa rin sila nina Senators Kiko Pangilinan at Bam Aquino patungkol sa magiging plano at igagalang naman nila ang magiging desisyon ng bawat isa.
Facebook Comments









