Pagbuo ng mga EDCA sites sa bansa, hindi dapat ikabahala ng publiko ayon sa DND

Walang dapat ikabahala ang publiko hinggil sa pagpayag ng Pilipinas na bumuo ng apat na bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement sites ang Amerika.

Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr., layon lamang ang kasunduan na palakasin ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines na protektahan ang maritime at environmental interest ng bansa.

Dagdag pa ni Galvez, ito ay sabayang pagaganahin ng dalawang bansa at kalaunan ay ituturn-over sa gobyerno matapos gamitin.


Una nang sinabi ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III na hindi permanenteng babase ang tropa ng Amerika sa mga EDCA sites dahil labag ito sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Sa ngayon, isinasapinal pa ng Pilipinas at Amerika kung saan itatayo ang mga bagong EDCA sites habang matatagpuan naman ang limang existing sites nito sa Cesar Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro, Benito Ebuen Air Base sa Cebu, at sa Antonio Bautista Air Base sa Palawan.

Facebook Comments