Pagbuo ng mga pasilidad sa WPS, dapat bilisan ng DND

Kasabay ng ika-5 taong anibersaryo ng Hague ruling ay iginiit ni Senator Risa Hontiveros sa Department of National Defense o DND na bilisan ang pagbuo ng mga pasilidad sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea (WPS).

Paliwanag ni Hontiveros, paraan ito para maipakita natin sa China ang mga tunay na bahagi ng ating teritoryo sa West Philippine Sea alinsunod din sa ating tagumpay sa arbitral ruling.

Mungkahi rin ni Hontiveros sa DND, makipagtulungan sa mga Local Government Unit (LGU) at iba pang mga ahensya, tulad ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Agriculture (DA), para maikasa ang aktibidad ng mga sibilyan sa Kalayaan Island Group.


Panawagan ni Hontiveros, huwag nating tratuhin ang mga isla sa WPS bilang mga military outposts lamang, kundi bilang mga teritoryong sibilyan dahil tiyak na makikinabang ang mamamayan sa natural resources nito.

Facebook Comments