Hahayaan ni Pangulong Ferdinang Marcos Jr., na ang mga mambabatas na ang magdesisyon para sa pagbuo ng Maharlika Wealth Fund.
Ito ay matapos na alisin na ang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) na gawing source ng pondo para sa panukalang Maharlika Wealth Fund.
Sa panayam ng media sa loob ng eroplano kay Pangulong Marcos Jr., habang patungo sa Brussels Belgium, sinabi nitong hahayaan niyang gawin ng lehislatura ang kanilang trabaho para dito.
Naniniwala naman ang pangulo na malaking tulong sa bansa ang pagkakaroon ng Maharlika Wealth Fund dahil kung hindi siya magkakainteres na pag-usapan ito.
Sinabi ng pangulo na malinaw na makakadagdag ito sa investment ng bansa.
Sa ngayon, panawagan ng pangulo sa mga kumikwestyon at umaalma sa binubuong Maharlika Wealth Fund na huwag na muna itong pagtalunan dahil patuloy pang binubusisi ang mga probisyon sa panukalang ito.
Mas maigi ayon sa pangulo na hintayin ang gagawin ng lehislatura para rito.