Pagbuo ng operation center pinamamadali ni Senator Gordon

Pinamamadali ni Senator Richard Gordon sa Land Transportation Office at Philippine National Police ang pagbuo ng isang operation and control center na magtatrabaho sa loob ng 24-oras mula Lunes hanggang Linggo.

 

Para ito sa napipintong implementasyon ng motorcycle crime prevention act na tugon sa tumataas na bilang ng krimen na kagagawan ng riding in tandem.

 

Diin ni Gordon, dapat masigurado na ang itatatag na operation center ay may sapat na computers na may taglay na software para makatugon sa mga emergency situations at mga tanong ng publiko.


 

Ayon kay Gordon, nakapaloob sa batas na ang nabanggit na operation center ay magsisilbi ding hotline na tatanggap ng report ukol sa mga krimen na gamit ang motorsiklo.

 

Pinapatiyak din ni Gordon sa LTO ang pagkakaroon ng registry of motorcycles sa isang database para makatulong sa mga isasagawang imbestigasyon at pagpapatupad ng batas.

Facebook Comments