Inaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture at Committee on Higher and Technical Education (CHTE) ang substitute bill na layong bumuo ng isang Congressional Oversight Committee (COC) on Education.
Ang nasabing oversight Committee on Education ay aatasan na magsagawa ng review at assessment sa kasalukuyang estado ng edukasyon sa Pilipinas.
Nakatakdang magrekomenda sa imbestigasyon ng policy reforms upang pag-isahin at palakasin ang ang polisiya sa basic, technical-vocational at higher education.
Dagdag pa rito, inaasahang maglalatag din ang oversight committee ng mga reporma sa mga bagong hamon sa edukasyon tulad ng blended learning, flexible learning at post-secondary tech-voc education na dulot na rin ng pandemiya at fourth industrial revolution.
Ang nasabing oversight Committee on Education ay bubuuhin ng sampung kinatawan mula sa Mataas at Mababang Kapulungan na kabibilangan ng chairpersons ng Senate at House Committees on Basic Education, Arts and Culture at Higher, Technical and Vocational Education.