Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na pag-aralan ang pagbuo ng isang legal department para maprotektahan din ang mga kapulisan laban sa mga walang batayang mga akusasyon at panggigipit.
Sa 2nd PNP Command Conference sa Camp Crame, sinabi ni Pangulong Marcos ang PNP legal body ang magsisilbing defense council ng mga pulis na nahaharap sa iba’t ibang reklamo.
Giit ng pangulo, hindi maaaring balewalain ng pamahalaan ang kapakanan ng mga kapulisan, na itinataya ang kanilang buhay habang nasa organisasyon, ngunit walang kakayahang magbayad ng abogado o kumuha ng legal services.
Ang PNP legal body ang magtatanggiol nang libre sa mga pulis at magbibigay ng proteksyon sa PNP laban sa mga maimpluwesiyang grupo na nangha-harass sa organisasyon.