Pagbuo ng polisiya para manatili sa bansa ang mga healthcare workers, hiniling ng isang senador sa pamahalaan

Pinabubuo ang pamahalaan ng isang polisiya na hihikayat sa mga healthcare workers na manatili sa Pilipinas sa halip na mangibang bansa kapalit ng magandang kapalaran.

Aminado si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na hindi makatanggi sa kaway ng dolyar ang maraming health care workers dahil hindi hamak na mas mabilis ang asenso sa ibang bansa kumpara sa sariling bayan.

Kaya naman para manatili ang mga healthcare workers sa bansa ay isinusulong ng senador ang Senate Bill No. 1429 o ang ‘Kalusugan Ang Prayoridad Act of 2022’ na layong mapabuti pa ang benepisyo ng healthcare workers, maging pribado man o pampubliko.


Nakapaloob dito na ang isang healthcare worker ay magkakaroon ng 20% discount at exempted sa value-added tax (VAT) kung bibili ng gamot at iba pang medical supplies, accessories, at equipment.

Inihain din ni Revilla ang Senate Bill No. 2018 na naglalayong dagdagan ng P150 ang daily wage ng lahat ng manggagawa at kung maisasabatas ay makikinabang din dito ang lahat ng mga healthcare workers.

Facebook Comments