Pagbuo ng price subsidy program, daan para makamit ang target na ₱20 per kilo ng bigas

Tiwala si AGRI Party-list Representative Wilbert Lee na hindi imposible ang pagkamit sa target na ibaba sa ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.

Sabi ni Lee, matutupad ito kung ipaprayoridad na maipasa ang inihain niyang House Bill 9020 o panukalang Cheaper Rice Act na lilikha ng price subsidy program.

Sa ilalim ng programa, ang Department of Agriculture katuwang ang Department of Trade and Industry at iba pang kinauukulang ahensya ay bibili ng palay sa mga magsasaka sa mas mataas na halaga na kanilang ibebenta sa mas mababang presyo.


Sinabi ni Lee na dahil sigurado ang kita ay patataasin ng mga magsasaka ang kanilang produksyon kaya dadami ang supply na magpapababa sa presyo nito sa merkado at tutulong sa ating food security at food sufficiency.

Giit pa ni Lee, hindi rin dapat umasa ang gobyerno sa pag-angkat upang magkaroon ng mas murang bigas at sa halip ay makabubuting palakasin natin ang rice self-sufficiency.

Facebook Comments