Isinulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang bumuo ng isang “MTRCB” o rating system sa mga nakikitang content sa internet.
Mungkahi ito ni DICT Undersecretary Alexander Ramos sa pagdinig ng Kamara hinggil sa mga naglilipanang text scams ngayong pandemya.
Sabi ni Ramos, inirekomenda niya sa mga mambabatas na magbuo ng rating system upang maipabatid ng gobyerno sa publiko kung anong klaseng content ang makikita online at ang banta na posibleng maranasan nila kapag nag-download ng mga apps, bumibisita sa mga websites, at panonood ng video.
Dagdag pa nito, ikakategoriya ito sa tatlong klase ito ay ang “high risk, medium risk at low risk”.
Kaugnay nito, magsasagawa ng interagency meeting ang DICT ngayong araw upang talakayin ang naturang isyu upang magkaroon ng isang tugon sa mga naglilipanang text scams.