Pagbuo ng rice price monitoring council, inihain sa Kamara

Isinusulong sa Kamara ang pagbuo ng “Rice Price Monitoring Council” sa bansa.

Layunin ng House Bill 10608 ni Tarlac Rep. Victor Yap na maprotektahan, mapalakas at masuportahan ang local rice industry at mga magsasakang Pilipino.

Nabatid kasi na kahit may Rice Tariffication Law ay hindi naman napapababa ang presyo ng bigas sa bansa at hindi rin ramdam ang benepisyo nito sa mga magsasaka.


Ang Rice Price Monitoring Council ang tututok at magmononitor sa presyuhan ng palay o bigas.

Magiging tungkulin din ng konseho na magtakda ng “benchmark” sa presyo ng palay o bigas sa national hanggang sa regional level upang mapanatili ang nararapat na halaga ng produkto.

Magsisilbi ring “safeguard” laban sa mga pananamantala, kartel at katulad na masamang aktibidad ang nasabing panukalang batas.

Facebook Comments