Iminungkahi ni Senator Francis Tolentino sa mga senador ang paglikha ng Special Senate Committee on Admiralty Matters.
Sa manifestation ni Tolentino sa plenaryo, tinukoy nito ang pangangailangan na bumuo na ng Special Committee on Admiralty Matters lalo’t inaasahang tatalakayin ng Senado ang maraming maritime measures na ihahain ngayong 19th Congress.
Hirit ni Tolentino kay Majority Leader Joel Villanueva na dahil ito ang Chairman ng Committee on Rules ay baka pwede nitong kilalanin ang naturang manifestation.
Samantala, inirekomenda rin ni Tolentino na ilipat sa Senate Committee on Justice and Human Rights ang na-i-refer na House Bill 7819 o ang Philippine Maritime Zones Act na unang ni-refer sa Senate Committee on Foreign Relations.
Paliwanag ng senador na siya ring Chairman ng Justice and Human Rights Committee, ang panukala kasi ay may kinalaman sa immigration laws.
Katwiran pa ni Tolentino, dahil ang panukala ay may kaugnayan din sa usapin ng basic human rights ng mga mangingisda kaya naniniwala siyang nararapat itong dinggin sa kanyang komite.