Pagbuo ng structural organization ng ICI, sinimulan na

Sinimulan na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang kanilang trabaho, matapos ianunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kumpletong komposisyon nito.

Una sa agenda ng komisyon ang pagbuo ng kanilang structural organization bilang unang hakbang sa opisyal na pagsisimula ng trabaho.

Nakatakda ring bisitahin ng ICI ang kanilang bagong tanggapan ngayong hapon bilang bahagi ng pagsasaayos ng organisasyon.

Pinangunahan ni Retired Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr. ang unang pulong ng ICI sa DPWH main office nitong Martes, kasunod ng ulat na sangkot ang ilang engineers ng ahensiya sa mga anomalous flood control projects.

Kasama ni Reyes sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio “Babes” Singson at SGV & Co. Country Managing Partner Rossana Fajardo bilang mga miyembro.

Facebook Comments