Nagpahayag ng suporta ang Philippine National Police (PNP) sa pagbuo ng ‘super body’ o Special Committee on Human Rights Coordination ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ilalim ng Administrative Order (AO) NO. 22.
Ang binuong ‘super body’ ay may layunin umanong mapahusay ang proteksyon ng karapatang pantao sa bansa.
Kaakibat nito, inihayag ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo na ang pagtatatag ng Office of the PNP Human Rights Affairs ay naaayon rin sa layunin ng Administrative Order No. 22.
Aniya, ito ay indikasyon ng pagrespeto at pagtugon ng PNP sa panawagan ng pinakamataas na paggalang sa karapatang pantao sa bansa.
Facebook Comments