PAGBUO NG TASK FORCE MANTAKER SA MANGALDAN, TINALAKAY

Tinalakay sa pulong ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang pagbuo sa Task Force MANTAKER (Mangaldan Task Force for Animal Control, Keeping, Enforcement, and Rabies Prevention) bilang tugon sa isyu ng mga pagala-galang mga hayop at pagpapatibay na maiwasan na may mabiktima ng rabies.

Ang bubuuing grupo ay siyang mangunguna sa pagmomonitor at pagtitiyak na naiimplementa ng maayos ang mga polisiya ukol sa animal control at Anti-Rabies Act of 2007.

Ito rin ang tugon sa tumataas na panawagan ukol sa seguridad ng publiko tulad ng mga aksidente na may kinalaman ang mga hayop na pagala-gala sa kalsada pati na rin ang mga alagang hayop sa bawat barangay na hindi pa nababakunahan ng anti-rabies vaccine.

Maayos na koordinasyon sa mga barangay council umano ang kinakailangan upang maisagawa ng maayos ang mga impounding operations at iba pang programa.

Inihayag rin sa pulong ang mga gampanin at responsibilidad ng mga nsa task force kasama na rito ang koordinasyon sa mga barangay, pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa na may kinalaman sa hayop at pagtitiyak sa maayos na pagtrato sa mga nai-impound na hayop. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments