Pagbuo ng task force na tututok sa rehabilitasyon ng mga lugar na napuruhan ng bagyo, hindi na kailangan – Palasyo

Naniniwala ang Malacañang na hindi na kailangang bumuo pa ng task force na tututok sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng mga nagdaang bagyo.

Matatandaang iminungkahi ni Camarines Sur Representative Luis Raymund Villafuerte ang pagbuo ng task force na mangunguna sa rehabilitasyon ng mga lugar na napuruhan ng Bagyong Rolly sa Bicol Region at CALABARZON.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananatiling ‘top of the situation’ si Pangulong Rodrigo Duterte.


Nakatutok ang Pangulo sa mabilis na pagbangon ng mga komunidad na tinamaan ng Bagyong Rolly.

Dagdag pa ni Roque, nakapagsagawa ng aerial inspection ang Pangulo sa Albay at Catanduanes at nakita ang lawak ng pinsala.

Inatasan na ng Pangulo ang mga kaukulang ahensya na kumilos at gawin ang kinakailangang aksyon.

Gayumpaman, satisfied ang Pangulo sa kahandaan ng mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan na nakatulong para mabawasan ang bilang ng casualties.

Facebook Comments