Pagbuo ng Universal Healthcare Coordination Council, inaprubahan na ni PBBM

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbuo ng Universal Healthcare Coordination Council.

Sa press briefing sa Palasyo ng Malacañang, sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na sa pamamagitan ng executive order ay iniuutos ang pagbuo ang Universal Healthcare Coordination Council.

Ginawa ang utos na pagbuo ng council sa regular na sectoral meeting sa Malacañang.


Ang Council ayon sa kalihim ay bubuuhin ng mga kinatawan mula sa Department of Health bilang council chairman, DILG bilang council co chairman habang ang mga miyembro ay Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), PhilHealth, Professional Regulation Commission (PRC), National Economic and Development Authority (NEDA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd).

Paliwanag ni Herbosa, ang council ay magsisilblng national government bodies na tututok sa pagpapatupad ng Universal Healthcare Act Nationwide.

Tutukan at pag-uusapan din ng council ang mga concerns na maaring lumabas sa full implementation ng Universal Healthcare.

Sinabi ni Herbosa nais kasi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maging standardize o pare pareho ang pagpapatupad ng Universal Healthcare Act sa buong bansa.

Facebook Comments