Pagbuo ng visiting forces agreement sa pagitan ng China, pinag-aaralan na ng National Security Commission

42

Manila, Philippines – Pag-aaralanna ng National Security Commission (NSC) ang pagbuo ng isang visiting forcesagreement sa pagitan ng China.
 
Ito’y para maipatupadang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng joint military exercisessa pagitan ng dalawang bansa.
 
Paliwanag ni NationalSecurity Adviser Hermogenes Esperon Jr., kanilang itinuturing na ‘utos’ angpahayag ni Pangulong Duterte na bukas ito sa pagkakaroon ng military exercisesng China at Pilipinas.
 
Kasama aniya ang Departmentof National Defense at iba pang ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng securitycluster, kanilang pag-aaralan muna kung posible ang pagkakaroon ng VFA sa China.
 
Kabilang sa kanilangaalamin ang posibilidad ng joint exercises sa Sulu sea na una nang binanggit ngpangulo na lugar na maaring pagdausan ng ehersisyo.
 
Dahil nasa loob ngteritoryo ng Pilipinas ang Sulu sea, hindi basta-basta na lamang papasok dito anganumang barko ng China o ng kahit alinmang bansa.

Facebook Comments