Pagbuo sa ‘Metropolitan Davao’, maghahatid ng mabilis na pag-unlad sa Region 11

Tiwala si Senador Francis Tolentino na magiging mabilis ang pag-unlad sa buong Region 11 o Davao Region lalo na sa mga aspetong may kinalaman sa ekonomiya, urbanisasyon at sustainable development.

Pahayag ito ni Tolentino, makaraang lagdaan Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na Republic Act 11708 na nagtatatag sa Metropolitan Davao Development Authority o MDDA.

Ang MDDA ay magiging espesyal na sangay o special body na may pangunahing hurisdiksyon sa lungsod ng Davao at iba pang karatig na lokalidad.


Ayon kay Tolentino, mas palalakasin ng MDDA bilang isang institution ang awtonomiya ng mga kaanib na lokalidad at mas lalong papalaganapin ang disentralisasyon sa Davao Region.

Binanggit ni Tolentino na base sa bagong batas ay kabilang sa pagtutuunan ng MDDA ang transport management, solid waste disposal o pangangasiwa sa basura at mga pagbaha.

Facebook Comments