Pagbuong 20B trust fund para sa mga sundalong nasasawi o nasusugatan habang naka-duty, isinulong ni Senator Escudero

Manila, Philippines – Isinulong ni Senator Chiz Escudero ang pagbuo ng 20-billion pesos na trust fund para sa mga aktibong miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na masasawi o masusugatan habang naka-duty.

Nakapaloob ito sa Senate Bill No. 1491, o Comprehensive Social Benefit Program of the Government na inihain ni Escudero.

Base sa panukala, ang nabanggit na trust fund ay ipatutupad at pamamahalaan ng board na bubuuin ng mga kinatawan mula sa Office of the President, Department of Interior and Local Government, Department of Budget and Management, Department of Finance, Department of Social Welfare and Development, Commission on Higher Education, AFP at PNP.


Mula sa nasabing P20 billion pesos ay kukunin ang pangtustos sa pangangailangan ng pamilya ng mga sundalong masasawi o masusugatan.

Kinabibilangan nito ang full scholarship sa kanilang mga anak, tulong pinansyal para sa kanilang tahanan, medical expenses at cost of living.

Binigyang diin ni Escudero, na ang pagbuo ng trust fund sa ilalim ng DND at DILG ay sukli sa kabayanihan at sakripisyo ng mga sundalo at pulis para mapangalagaan ang kaligtasan ng bawat isa at maipagtaggol ang ating kalayaan at demokrasya.

Facebook Comments