Pagbusisi ng Senado sa COVID-19 vaccination plan ng gobyerno, sa Enero na gagawin

Sa ikalawang linggo na ng Enero gagawin ng Senado ang pag-convene bilang committee of the whole para busisiin ang COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, ito ay para mabigyan pa ng pagkakataon ang Inter-Agency Task Force (IAFT) na planuhin ang roll-out ng vaccines bukod sa karamihan sa mga opisyal ay out-of-town na kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Layunin ng gagawing pagdinig ng Senado na malaman ang konkretong plano ng gobyerno sa distribution, storage at mga prayoridad na babakunahan at kung papaano gagastusin ang bilyones na pondo para rito.


Sa ilalim ng 2021 national budget, ay 72 billion pesos ang inilaan pambili at distribusyon ng COVID-19 vaccines kaya mahalaga na dapat transparent o makikita ng mamamayan ang paggastos nito.

Facebook Comments