Katulad ng pag-ibig na mas pinahahalagahan kapag may linaw at katapatan, ipinaalala ng DTI Pangasinan na mahalagang suriin ang label ng mga produktong binibili, kasabay ng papalapit na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.
Ayon sa ahensya, ang wastong paglalagay ng label sa produkto ay nagbibigay ng sapat at tamang impormasyon sa mga konsyumer hinggil sa uri, kalidad, nilalaman, at wastong paggamit ng binibiling produkto.
Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng mas maingat at matalinong desisyon ang mamimili.
Binigyang-diin ng DTI na ang mga produktong walang label ay maaaring magdulot ng panganib hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa kaligtasan ng buong pamilya.
Dahil dito, hinihikayat ang publiko na iwasan ang pagtangkilik sa mga produktong kulang o walang malinaw na impormasyon.
Patuloy rin ang paalala ng ahensya na maging mapanuri at responsable sa pamimili bilang bahagi ng adbokasiyang proteksyon sa konsyumer, alinsunod sa kampanyang INARO o Inform, Navigate, Advocate, Regulate, at Optimize para sa mas ligtas at mas matalinong pamimili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










