Inirerekomenda ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na simulan na ng Senado ang mandatory review kung sapat pa ba ang pangangailangan ng Department of Health at kung nakabili ng mga ventilator, Intensive Care Unit (ICU) equipment, high flow oxygen therapy machines at iba pa.
Paliwanag ni Recto, sa bawat giyera kabilang ang laban natin sa pandemya, ay mahalaga ang logistics.
Layunin ng hakbang ni Recto na masiguro na patuloy na lalaban ang ating mga frontliners sa banta ng COVID-19, dapat tuloy-tuloy ang pagdating ng mga supply.
iginiit ni Recto, na dapat malaman ang inventory ng gamit ng mga government hospitals dahil dito dumadagsa ang mga mahihirap kaya mahalaga na malaman ang kanilang medical logistics.
Crucial aniya ang mga ventilator at oxygen tanks dahil ito ang ginagamit sa mga pasyente na may severe COVID-19 cases.
Sa datos ng Department of Health (DOH), 2,521 ICU units ng mga government hospitals sa buong bansa ang inilaan para sa mga COVID-19 patients.
Dagdag pa ni Recto, importante ang mandatory review para malaman kung saan ginamit at ano ang mga pinagkagastusan ng DOH sa COVID-19 response.