Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang pagbubusisi sa itinatayong mga proyekto sa bayan upang masiguro ang kalidad sa pagsasakatuparan ng mga ito.
Sa naganap na joint executive-legislative meeting, binigyang-diin ng alcalde na hindi dapat hayaang substandard ang mga ginagawang proyekto.
Dagdag nito ang kahalagahan na pulungin ang lumalahok na mga contractor sa bidding upang mas maging transparent at maipaalala umano sa mga ito na hindi dapat pabayaan o ikompromiso ang mga proyektong taumbayan mismo ang pomopondo.
Importante rin daw ang maayos na pakikipag-ugnayan sa mga national agencies tulad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pa.
Samantala, mainit na pinag-uusapan ngayon sa buong bansa ang maanomalyang flood control projects na umano’y kinasasangkutan ng ilang mga contractors, ilang opisyal ng DPWH, maging ilang mga pangalan sa pulitika. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









