Pagbuti ng COVID-19 situation sa bansa, ipinagmalaki ni DOH Secretary Francisco Duque III

Ipinagmalaki ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na gumaganda na ang COVID-19 situation NG Pilipinas.

Sa Talk to the People Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Duque na batay sa datos nitong Nobyembre 1 ay nasa pang-40 na tayo pagdating sa bilang ng active cases ng COVID-19 sa buong mundo.

Mas mababa na ito kumpara sa pagiging number 15 natin sa dashboard ng World Health Organization noong Setyembre na kasagsagan ng surge ng COVID-19 cases sa bansa.


Sinabi pa ni Duque na sa ngayon ay nasa ika-123 na tayo sa pwesto pagdating sa COVID-19 cases per one million population.

Umaasa naman si Duque na magiging masaya na ang pagtatapos ng 2021 kung magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso at pagtaas ng vaccination rate sa bansa.

Facebook Comments