“Pagbutihin ang trabaho” remark, hindi para sa mga health workers kundi para sa mga government officials, ayon kay Sen. Villar

Nilinaw ni Senator Cynthia Villar na ang mga government leaders ang sinasabihan niya na dapat mag trabaho nang mabuti para mapahupa ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.

Kasunod ito ng mga natanggap niyang batikos matapos ibasura ang apela ang medical community na ibalik sa Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila dahil sa lumulobong kaso ng virus.

Paglilinaw ni Villar, ang kanyang pahayag ay hindi para sa mga medical frontliners kundi para sa mga opisyal ng gobyerno kabilang siya.


Partikular ding tinukoy ng senador ang Department of Health (DOH) at ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Kasabay nito, kinilala ni Villar ang mga sakripisyo ng mga health workers sa pagresponde sa laban sa COVID-19.

Bukod sa mga opisyal ng gobyerno at sa health sector, umapela rin si Villar sa publiko na sumunod sa mga health protocols at gawin ang responsibilidad para mapanatiling ligtas ang lahat sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments