Pagbuwag ng Saudi Arabia ng “Kafala,” welcome sa DFA

Photo Courtesy: Middle East Eye

Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang hakbang ng Saudi Arabia na buwagin ang labor sponsorship system nito na tinatawag na ‘Kafala.’

Sa ilalim ng bagong Labor Relation Initiative, papayagan na ng Saudi ang mga foreign workers na baguhin ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng paglipat ng kanilang sponsorship mula sa isang employer patungo sa iba.

Maaari rin silang umalis at pumasok sa kanilang bansa, at makakuha ng final exit visas kahit walang consent mula sa kanilang employer.


Ayon sa DFA, matagal na silang kontra sa Kafala system sa United Nations at iba pang international organizations.

Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, walang Overseas Filipino Workers (OFWs) na magiging alipin ng sinuman.

Ang Pilipinas ay pinangungunahan ang negosasyon at international adoption ng Global Compact for Safe, Orderly, and Regular Migration (GCM) para protektahan ang lahat ng Filipino migrant workers mula sa lahat ng uri ng pang-aabuso.

Tinatayang nasa 865,121 Filipino migrant workers ang naka-deploy sa Saudi Arabia mula December 2019.

Facebook Comments