Manila – Isinusulong ngayon ng tambalang Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senador Alan Peter Cayetano ang pagbuwag sa Bank Secrecy Law para sa mga pampublikong opisyal para makontra ang korapsyon.Ayon kay Cayetano, kulang ang bansa sa matapang na solusyon at mabilis na aksyon kaya naging talamak ang korapsyon sa gobyerno.Inihalimbawa niya ang yumaong diktador na si Ferdinand Marcos at si Vice President Jejomar Binay na nagnakaw sa kaban ng bayan dahil sa bulok na sistemang pagtatago ng totoong yaman sa pamamagitan ng dummy accounts.Bumanat naman si Duterte at sinabing wala sa posisyon si Binay na pag-usapan ang korapsyon.Ayon kay Cayetano, kapag nanalo ay itutulak nila ni Duterte ang pagbubukas ng bank accounts ng mga opisyal na sangkot sa graft at corruption cases.Ipapasa rin nila ang Anti-Dummy Law na pipigil sa mga opisyal ng gobyerno na maitago ang mga asset nila sa dummy bank accounts.
Pagbuwag Sa Bank Secrecy Law, Sagot Ng Tambalang Duterte-Cayetano Sa Korapsyon Sa Gobyerno
Facebook Comments