Pagbuwag sa Davao Mafia na nagbigay proteksyon kay Quiboloy, iginiit ng isang kongresista

Nanawagan si Manila 6th district Rep. Rolando Valeriano sa gobyerno na buwagin ang tinawag nitong “Davao Mafia” na siyang nagbigay proteksyon kay Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa iba’t ibang kaso tulad ng human trafficking, at child abuse.

Diin ni Valeriano, dapat mabuwag ang mala-mafia na sistema ng gobyerno kasabwat ang mga pribadong tanggapan sa Davao City na pumayag na makapagtayo si Quiboloy ng underground facility sa Kingdom Of Jesus Christ o KOJC compound.

Ayon kay Valeriano, dapat magkaroon ng “general cleaning” upang malinis ang sistematikong korapsyon na nagbigay daan sa pag-unlad ni Quiboloy.


Hiniling din ni Valeriano ang pagsasagawa ng imbentaryo ng mga baril, bala, pampasabog at nakapipinsalang kemikal na nasa pag-iingat ng ilang indibidwal sa Davao City.

Bukod dito ay iginiit din ni Valeriano ang pagsalakay ng mga awtoridad at pagbuwag sa lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO at pekeng BPO sa Davao City.

Facebook Comments