Pagbuwag Sa Energy Regulatory Commission, Ibinabala Ni P-Duterte Dahil Sa Isyu Ng Katiwalian

15

MANILA – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “pag-overhaul” sa Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa mga bintang ng katiwalian sa ahensya.Sinabi ni Pangulong Duterte, na pinabubusisi na niya ang lahat ng legal na pamamaraan para sa pagpapatupad ng pagbabago sa ERC.Nagbanta din ang Pangulo na bubuwagin ang ahensya kung patuloy na susuwayin ng mga opisyal ang kanyang kautusang magbitiw sila sa pwesto.Ang kautusan ng Pangulo ay kasunod ng pagpapakamatay ni ERC Director Francisco Villa Jr. na sinasabing na-pressure sa trabaho dahil sa kurapsyon sa loob ng ahensya.

Facebook Comments