Ikinabahala ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc ang magiging epekto sa Filipino Deaf community ng pagtanggal sa Filipino Sign Language o FSL Unit sa ilalim ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Bunsod nito ay inihain nina Representatives Rep. France Castro ng ACT Teachers Party-list, Rep. Arlene Brosas ng Gabriela Women’s Party at Raoul Manuel ng Kabataan Party-List ang House Resolution 1774 upang maimbestigahan ng Kamara ang nasabing hakbang.
Sa impormasyong nakalap ng makabayan bloc ay hindi na ni-renew ng komisyon ang kontrata ng para sa serbisyo ng mga miyembro, at staff ng FSL unit.
Giit ni Castro, ito ay paglabag sa mandato ng komisyon sa ilalim ng sarili nitong charter at paglabag din sa Filipino Sign Language Act/
Paliwanag ni Castro, dahil sa pagbuwag sa buong FSL Unit ay nawala din ang mekanismo na titiyak sa maayos na implementasyon ng mga batas para sa kapakanan ng mga kababayan natin na may kapansanan o poblema sa pandinig.