Manila, Philippines – Ipinabubuwag ni Bagong Henerasyon PL Rep. Bernadette Herrera-Dy ang Governance Commission for GOCCs o GCG.
Ito ay dahil sa dami ng reklamong natatanggap mula sa GOCCs na sana’y nagsisilbing check and balance ng pamahalaan.
Inirereklamo ng mga GOCCs ang mga dagdag na requirements na nagpapabagal sa operasyon.
Sa halip na makatulong sa pangangasiwa sa galaw at operasyon ng 200 GOCCs ay naging sagabal lamang ito.
Ang mga GOCCs ay saklaw na rin ng batas sa ilalim ng Kongreso, COA, NEDA, Government Procurement Policy Board at Office of Government Corporate Counsel.
Bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Duterte na buwagin ang mga ahensyang may duplicative at overlapping functions, iginiit ni Herrera-Dy ang tuluyang pagbuwag na sa GCG.
Iminumungkahi ng mambabatas na saluhin ng Presidential Management Staff sa ilalim ng Office of the President ang tungkulin ng GCG.