Pagbuwag sa Gov’t Peace Panel, pinangangambahan na mauwi sa matinding militarisasyon sa bansa

Ikinakabahala ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang paglusaw ni Pangulong Duterte sa Government Peace Panel.

 

Ayon kay Zarate, hindi magandang pangitain ito sa inaasam na tunay at pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

 

Nangangamba ang kongresista na ang pagbuwag sa GRP ay hudyat ng matinding operasyon laban sa mga kritiko ng administrasyon.


 

Maituturing din na resulta ito ng tagumpay ng mga nagnanais na madiskaril ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDFP.

 

Hindi na magtataka ang mambabatas kung titindi pa ang militarist-solution na ipapatupad para sa ilang dekadang rebelyon sa bansa.

 

Sa kabilang banda, nakahanda pa rin ang Makabayan na makipagnegosasyon para sa pagpapatuloy ng peace process kahit pa may red-tagging, black propaganda at mga pagatake laban sa mga komunista at mga aktibista sa bansa.

Facebook Comments